Why Men Love Bitches (Tagalog)



Ang tagal ko ng nakikita at naririnig ang librong 'Why Men Love Bitches' ni Sherry Argov pero hindi ako makatiyempong makabili para basahin. So, isang araw nag search ako sa carousell and boom! Nakita ko siya sa murang halaga kaya binili ko na. Gusto ko kasing mabasa iyon at kung bakit walang nagtatagal na lalaki sa akin, hahaha! Excited ako kasi parang marami akong matutunan at pwede kong iapply sa buhay ko at ng magkasilbi naman ito.

Sa atin pag sinabi nating 'bitch' 'di ba parang isang babaeng walang karespe-respeto sa kanyang sarili? Yung mga 'nice girl' naman sila 'yung mga babaeng maihahalintulad natin sa Maria Clara ngayong panahon. Yung siya 'yung mas nagbibigay, mas nagmamahal, mas nag-aalaga at marami pang 'mas'.

Pero sa librong ito, yung salitang 'bitch' ay tumutukoy sa babaeng malakas, may prinsipyo, nirerespeto at mas mahal ang sarili. Dito alam niya kung paano mas bigyang halaga ang mga taong nakapaligid sa kanya 'equally'. Yes, equally! At hindi inuuna ang lovelife kaysa sa lahat ng bagay sa mundo.


Nasa unang pahina pa lang ako at talagang dinadahan-dahan ko ang pagbabasa. Kumbaga ninanamnaman ko talaga ang nakasulat doon ultimo tuldok. Ako kasi ang taong nakakabasa sa isang upuan lang, like pocketbooks. Mahilig kasi akong magbasa ng kahit anu-ano lang. Natambay nga ako sa library kapag Monday, Wednesday at Friday pagkatapos ng trabaho ko.

Nakakatawa nga eh kasi habang nagbabasa ako nagpapadyak pa ako dahil alam kong mali ang mga ginagawa ko sa buhay at gusto kong iuntog ang sarili ko sa pader. 

Kaya itatranslate ko ang bawat principle sa tagalog at lalagyan ko ng example para maging exciting naman ang nilalaman nito. 

So, watch out sa next post ko. Happy reading :)

Comments

  1. This will be my first time to hear about this book. Catchy yung title. How much sis? The "equally thing" makes me curious. Naiimajin ko dito yung mga kontrabida sa YA books na nababasa ko na still worth kahangaan. Hindi na ko nakakatambay sa library, pero nung highschool ako sagad to the point na ginagabi kami sa library :D

    ReplyDelete
  2. It's a famous book para sa mga young adult kasi talagang makakakuha ka ng aral dito. I bought it $7 so mga nasa 200plus siya. Ito yung mga dapat mong gawin sa mga first date mo ganun, nakakatawa nga eh kasi it's not more on 'pa-hard-to-get' but more siya sa 'to know him better' muna ika nga.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts