Universal Studios Singapore


Hi everyone! Yes, i'm back as in bumalik galing ng limang araw na bakasyon nitong Chinese New Year. Pero bago ko sabihin at i-post kung saan ako nanggaling, magtothrowback muna tayo. 

So... noong nakaraang January 1, 2015, nung magbakasyon ang kapatid ko dito dinala ko siya sa Universal Studios Singapore. 

Ang Universal Studios Singapore ay matatagpuan sa loob ng Resorts World Sentosa sa isla ng Sentosa, Singapore. Ito ang ikalawang Universal Studios theme park na nagbukas sa Asia (bilang Japan ang pinakauna), ang ang kauna-unahan din sa Southeast Asia. 
Nagsimulang itatag ang Resorts World Sentosa at Universal Studios Singapore noong April 19, 2008. Pagkatapos ng dalawang taon, binuksan ang naturang park noon March 18, 2010. 
Iba't-ibang klaseng rides at mga atraksiyon ang makikita sa loob, ilan dito ay ang:
1. Transformer: The ride. Grabe! sumakit talaga ang paa ko sa katatayo dahil sa napakahabang pila. Pero infairness, worth-it naman ang paghihintay mo dahil napakaganda. Ikalawang punta ko na dito at napakahanep ng rides na 'to, pramis!
2.  Madagascar Theme Zone. Ito 'yung sasakay kayo sa isang boat at lilibot kayo sa loob ng tunnel. Makikita ninyo ang mga iba't-ibang hayop na nagsasalita, pero s'yempre hindi totoong hayop. 
3. Shreks Far Far Away. Papasok kayo sa loob ng isang napakalaking castle. Uupo kayo sa mga upuan na parang nasa loob kayo ng movie house at may malaking screen sa harapan. Sasamahan ninyo si Shrek na iligtas si Princess Fiona. Napakaganda dahil habang nakasakay si Shrek sa karwahe parang nakasakay din kayo dahil umuuga rin ang upuan n'yo. 
4.  Battlestar Galactica dueling coasters. Dahil sa technical glitch ay nakasarado ang rides na 'to hanggang ngayon. Gustong-gusto ko pa sanang ma-experience ito, hayyy!
5. Lost World. Mababasa kayo dito pramis kaya magdala kayo ng kapote ninyo. 
6. At marami pang iba.
http://en.wikipedia.org/wiki/Universal_Studios_Singapore#mediaviewer/File:Universal_Globe_Singapore.jpg







Napaka charming nila. :)


Ang streetboys! :) 











Minion Mart




Far far away




The Galactica

Thank you sa model-modelan kong kapatid.
Next sa blog ko ay ang Infinity Pool ng Marina Bay Sands. Oo, diyan ako nagbakasyon last week. hihihi 


Comments

Popular Posts