2015

Ahem! 2015 na pala at minsan na lang akong magpost dito sa blog kong ito. Dahil nabuksan ko na ang isa kong blog (Whiteangel) ay nawili ako sa kapopost doon ng: suicidal notes este hindi! mga inner feelings ko lang 'yun na nag susumigaw na ilabas. Hindi ako malungkot, pramis! Nostalgic lang ako.
Naisipan ko na ang blog na ito ay gagawin ko nalang travel diary ko, yes TRAVEL! at himutok ko sa mundo naman ang sa kabila. 
Kaya kung gusto ninyong magbasa ng mga gawa kong mga short stories please visit my other blog : Whiteangel
At kung gusto ninyo namang magbasa ng mga travel diaries ko dito nalang kayo, magkasya kayo dito.
Hayyy, so far naging maayos naman ang takbo ng buhay ko simula 2015. No more drama na. No more heart pain kasi wala na akong hinayaang pumasok dito (sabay tusok sa ilong este turo sa puso). Basta, i'm feeling more human (bakit noon hindi?). Putsa, kontrabida talaga yung utak ko! 
Sige na, next blog ko tungkol sa Valentines Day ko na wala namang dapat iboblog! Inshort : SINGLE! so what? 

-Whiteangel

Comments

Popular Posts