11:11

centinela66.wordpress.com


Totoo bang pag nag wish ka tuwing ika 11:11 ng oras magkakatotoo ang hiling mo?
Lagi akong nasa harap ng aking computer kaya lagi rin akong nakatingin sa may oras na nasa pinakasulok na bahagi ng screen ng computer ko. Dahil pag oras ng trabaho parang gusto mong hilahin ang oras para makauwi na agad. Minsan lang naman ako mapatitig sa orasan kasi ayoko ring madismaya na matagal pa ang uwian. Pero sa minsanang iyon halos madalas 'pag napapatingin ako nasa 11:11 ang oras. S’yempre at hopeless wisher’s din ako kaya lagi akong nagwiwish. At isa lang naman ang lagi kong hinihiling pero sekreto nalang ‘yun. hehehe
Sa kadalasang nangyayaring iyon, madalas din akong mag-isip na bakit hindi pa nagkakatotoo ang hiling ko. Sa kadalasan, mas nadidismaya pa ako sa hindi pagtupad ng hiling ko kaysa sa matagal na pag-usad ng oras. Sa huli, pag natutuon ang pansin ko sa 11:11 na oras umiiwas nalang agad ako ng tingin. Hindi sa malaki ang expectation ko doon sa hiling ko kundi dahil talagang desperado lang siguro ako. Hayyyy!
Pero kahit ganun ang nangyayari, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa at iniisip ko pa rin na may tamang oras doon sa hiling ko; hiling na sana magkatotoo dahil sa 11:11.

Comments

Popular Posts