Tell me your story

knowyourmeme.com

Lagi mo akong kinukulit na sabihin sa 'yo kung kamusta ang araw ko kaya ito:

Ngayong umaga, nasunog ang tinapay at itlog na niluto ko pero kinain ko pa rin.

Kung magiging ganito lang araw-araw, 
wala rin akong magagawa kaya hayaan mo na.

Naligo na ako pagkatapos kumain
(pero dahan-dahan lang kasi hindi ko maiwasang manginig sa lamig).

Pasensiya na kung wala akong magandang nasasabi.
Hindi ko nga alam kung nakikinig ka eh.

Hindi kasi ako magaling magkwento.

Sana makagawa ako ng storyang nagsasabing
hindi kita iniisip sa gitna ng pagtali ko ng sintas ng sapatos ko ng paulit-ulit, pero ang hindi makatotohanang kwento ay walang halaga sa mga bagay na malungkot pero sana maturuan mo akong sabihin ng makatotohanan ang lahat ng iyon.

Comments

Popular Posts