Leaving


Dumating din ba sa buhay n’yo ang isang pagkakataon na nagmakaawa kayo para ‘wag kayong iwan ng taong mahalaga sa inyo? Diba masakit? Yung pakiramdam na kapag nawala sila ay bubuwag na rin ang mundo mo?
Masakit kung ikaw ang iiwanan, ikaw ang kawawa at ikaw ang umiiyak. Hindi ka handa na wala na siya sa buhay mo, habang siya wala ng pakialam sa’yo. Hindi nila alam yun dahil hindi sila ang nasa posisyon mo.
Miserable – yun ang pakiramdam mo pagkatapos ka nilang iwanan. Wala kang makakapitan kundi sarili mo lang, wala kang maaasahan kundi ang apat na sulok ng kwartong saksi sa gabi-gabi mong pagdadalamhati.
At darating tayo doon sa puntong manikluhod sa taong umiwan. Wag tayong impokrito, nagawa na rin natin ‘yan kahit isang beses sa buhay natin. Minsan kasi ang choice nalang natin ay ibaba ang pride kahit masakit. Hindi mo kaya mawala siya!
Oh sige ako na ang emo. Kung karapatan mo naman dapat kang lumaban diba? Kung mahal mo naman kaya mong magkaawa bumalik lang siya. Ipakita mo lang na mahal na mahal mo siya. Sa huli, pag ayaw na niya talaga hayaan mo na siya.
Originally posted in my other blog: WHITEANGEL

Comments

Popular Posts