Ang Pakikipagsapalaran ni Whiteangel sa mundo ng pagmomove-on - Day 10

www.oprah.com
Dahil tinamad na akong mag post at 100 days nga sabi ko ang gagawin kong pagmomove-on, 'di ko pala kaya. Napagod ako sa kaiisip na ang tagal pala nun! Nalurkey ang landi hormones ko sa tagal ng mourning period ko sa let's say worth-it-ang-memories-pero-di-worth-panghinayangan-ang-taong-iyon. Yun na yun,pak!

Pero dahil nasa stage pa rin ako ng loka-lokahan period kaya masyado pa akong vulnerable (naks! maka-vulnerable, wagas!) sa pain and depression. Dito sa time na 'to bumubuhay ang lahat ng brain cells at nagmamakaawa na gumawa ako ng paraan para makalimutan na ang (dont-talk-bad-words); ang code name ko sa kanya. Gumagawa ako ng sarili kong coping mechanism para makamove-on agad-agad at nanghihinayang ang mga mata ko sa eyebags ko, pinagpuyatan ko nga naman.

Day 10.

Hinila ko na ang dalawa kong kaibigan na kasama ko rin sa #tropangheartbroken na gumala sa malayo. Pero sa totoo lang ang ginalaan namin ay nasa kabilang ibayong isla at pwede mo rin namang lakarin lang. Napagpasyahan namin na para mabilis ang recovery namin ay magtravel kami. Yes, magtravel. Pumunta sa mga lugar na bago sa paningin at mag unwind, sa ganitong paraan makakahinga ang puso mong sawi.

Alas sais impunto pa lang ng umaga nasa MRT na kami patungo sa destinasyon namin. Ayaw namin ng trapik kaya tumulak, literal na tulak ang ginawa namin sa sarili namin para bumangon ng maaga. Ngarag kami dahil nakipag toma pa kami nung nakaraang gabi sa mga ‘new found friends’ namin.  May nagpapahangin sa akin pero pinindot ko na ang maldita button ko bago pa ako maunahan ng landi hormones ko. Hindi ko kailangan ng isa pang bato para literal na ihagis sa kanila.

TIPS: huwag na huwag mag entertain ng suitor/humanap ng liligawan o kaya  makipagclose/makipaglandian sa iba habang nagmemend ka pa ng broken heart mo. Hindi solusyon ‘yan para makalimutan mo agad siya, in the end pag naging kayo ng bago mo hindi rin magiging okay dahil may issue ka pa sa past mo. Hayaan mong ang ‘time’ ang mag heal niyan, pero kung talagang talandi ka, go! sa’yo ang araw na ‘yan makipaglandian ka hangga’t gusto mo. Huwag na huwag ka ulit  gagawa ng post na 10,000days  to move-on, o ayan landi mo kasi Day!

Dahil mainit daw sa Malaysia, yes.. sa Malaysia ang aming destinasyon (Singapore-Malaysia). Hindi na ako nagdala ng cardigan (joke lang jacket nalang para hindi sosyal, kakahiya naman sa sosyal-sosyalan kong sarili), sabi ng kaibigan ko. Paglabas namin ng MRT, ang lakas ng ulan at ang lakas ng hangin ang sumalubong sa amin. Grabe! nahiya naman ako sa mainit daw sa Malaysia na sabi ng friend ko. Literal na nililipad kami ng hangin habang naghihintay kami ng bus. Nawalan na kami ng gana dahil nasira ng ulan ang unwind moments namin at naging windy. Buti nalang nung makarating na kami sa immigration ng Malaysia nawala na ang ulan.















Huminga muna ako ng malalim bago tumuntong sa bansang tinatawag nilang truly asia. Iniwan ko na ang bagahe ko este ang bagahe ng nakaraan ko para harapin ang panibagong yugto ng buhay ko. Minsan doon sa starting all over again malalaman mo kung hanggang saan ang kaya mong ilaban sa kasalukuyan para harapin ang kinabukasan. Yung makikita mo ang self-worth mo kung saan mag-isa ka na lang na tinatry bumangon ulit. Teka! nag emo na naman ako (‘di bagay sa’yo teh pramis!).

So naglibot nalang muna kami dahil napakaaga pa at wala pang bukas na mall nang alas siyete. Nagkape muna kami sa Old town.






Ang hirap lang ng transportasyon doon dahil bihira lang ang bus at ang taxi lang talaga ang most available. Kaya nagtaxi kami papunta sa hotel namin dahil hanggang bukas pa kami doon. Ang liit ng taxi na parang kasya lang ang dalawang tao, pero dahil ayaw namin sa harapan ay nag sardinas nalang kami sa likuran.

All in all, naging masaya naman ang unexpected get aways namin at parang gumaan ang pakiramdam ko kahit pagod kami sa paglilibot. Yun ang maganda pag nagtravel ka kasi marami kang makikita at makikilalang mga bagong tao. Marerefresh ang utak mo sa mga negatibong bagay at parang ang sarap magsimula ulit. Kung pwede lang iwan ang  mga malulungkot na bagay at magsimula ng panibagong masasayang memories sa buhay mo.









At dahil birthday rin ng kaibigan ko sa susunod na araw kaya nag early celebration na rin kami.




Ang mas maganda kung may mga kaibigan kang dumadamay sa’yo sa oras na ito, dahil sila lang ang makakaintindi sa’yo including siyempre sa pamilya mo.

Doon ko rin narealize na hindi lang naman kasi basta-basta lang ang pagmomove-on, it takes time nga sabi nila at dahan-dahan lang sabi ni Maja. Lakad lang, diretso at ‘wag lilingon. Baka ‘pag lilingon ka pa madapa ka ulit at masyadong mahirap ng bumangon.

O siya, pag iisipan ko pa ang natitira kong 90days. &*^%$# kasi bakit 100days pa eh, bukas pwede na rin naman move-on na ako. 
Unplanned moments are always better than planned ones.

Comments

Popular Posts