Ang Pakikipagsapalaran ni Whiteangel sa mundo ng pag momove-on

www.leadingyourchurchintogr...

Dahil isang linggo na akong ngumangawa sa kaiiyak, mugto ang biluging mata na para na ring pwedeng kilohin ang eyebags. Tuyot ang mukha na parang hinigop ni San Goku gamit ang kanyang Kame Hami Wave (wala akong pakialam sa spelling basta yun na yun). Tulala moment habang nagtatrabaho kaya natambakan at 'di na makaugaga pag may nirush na pinapagawa. Pag dating sa bahay at dahil mag-isa nagpaparty, party ng mga kaemohan sa mundo. Hindi party rock ang background music kundi "Mahal, mahal na mahal kita", sakupin mo na rin ang pluto sa pagmamahal na 'yan. Diyos ko, kung makikita ko lang siguro ang itsura ko 3 months from now parang gusto ko sigurong bumalik sa time na ito at iumpog sa pader ang ulo ko.
Siyempre alam natin na natural lang pagkatapos ng break-up ang magpaka emo. Lalo na at ikaw ang iniwanan, natural na natural ang umiiyak na parang namatayan. Sige lang iyak lang kaya mo 'yan.
Pero darating tayo doon sa realisasyon na siya masaya na kung saang p****-in**g mundo siya ngayon. At ikaw nakasalampak pa rin sa memories n'yo na sana 'di na dapat isipin pa.

imgarcade.com
Alam ko masakit, heller kaya ko nga sinulat ito dahil nandito rin ako sa stage na ito na kung saan ngayon nasa kama ako at nagtitipa nito. Kung wala sana eh nandoon ako at masayang nakipaglampungan sa hayup na 'yun.

happyciwik.blogspot.com


Dumaan na rin ako sa mga kamay ng Stages of Death este Stages of Grief ni Elisabeth Kubler-Ross, kung hindi ka pa mamamatay.

animacittadina.blogspot.com


DABDA , 'yan ang tawag pag shinortcut.

Denial. Yun yung ipinipilit ko pa rin sa sarili kong kami pa rin, hindi talagang kami pa rin. Tinetxt ko pa rin siya kahit ni 'hi' 'hello' k lang me' (insert smiley), . ay walang reply. Yung naka in-a-relationship ka pa sa FB pero wala ng pangalang nakatag,. Ang tagal ng stage na 'to at siguro nailabas mo na lahat ng luha mo at i bet pati dugo susunod na rin sa luha mo.

Anger. 'Yun yung mga putang-ina sila magsama sila ng bago niya mode. Ang pangit-pangit naman ng pinalit niya sa'kin, wala talagang kataste-taste ang hinayupak na 'yun'. Yung lahat ng mga binigay niya tinapon mo o di kaya sinunuog mo, hey girl sayang yung nike na sapatos na binigay niya saka yung g-shock na relo. Pati pag status mo sa FB mo iba na rin : I HATE YOU!, at kapag may nag comment ng 'girl, wala na kayo ni <insert name>?. Ang isasagot mo siyempre bitter ka, 'wala kayong pakialam sa buhay ko. FU!'. O di kaya ay iunfriend mo siya sa FB pero stalker mood ka pa rin kahit 'di na kayo friend.

Pero yan din yung galit ka rin sa sarili mo dahil hindi mo naipakita sa kanya ang pagmamahal mo. Na kung sana maiibalik pa ang mga sandaling iyon.
Parang ang hirap ng stage na ito, para kang naghahanap ng kaaway at hindi mapakali sa inuupuan mo. Pero kaya mo yan malalampasan mo rin 'yan.

Bargaining. Ito yung inunfriend mo siya pero inadd mo ulit siya, diba parang baliw lang? Pagkatapos ng walang kamatayang 'hi' at 'hello' doon mo na ilalabas ang pagiging darna mo. Gagawin ko ang lahat para bumalik ka lang sa akin, please? Pagmamakaawa mode kumbaga. Yun din ang time na sana ganito at ganyan, sana ginawa ko ito siguro hindi siya nagalit. O sana sumama nalang ako sa kanya nung araw na yun hindi niya pa na meet ang pangit na babaeng iyon. And daming sana na parang nakafrufrustrate na.

Depression. Ang kinakatakutan kong stages ng grief na ito. Pero masasabi kong isa rin ito sa magandang stages dahil malapit na tayo sa huli. Dito na tayo nalulungkot, parang walang saysay ang mabuhay, matulog na lang (at ito ang isa kung way pag depress ako). Walang masama sa maging malungkot siyempre iniwan tayo pero 'wag nating hayaan kainin tayo ng lungkot at makakagawa tayo ng bagay na pagsisishan natin sa huli. Pupunta ako ng chapel pag depress na depress ako, doon ko ibinubuhos ang sakit nang nararamdaman ko. Magiging okay ka pagkatapos nun. Dito sa stage na ito minsan nakakulong tayo, nagiging matagal pa ang tambay natin. Nakagagawa pa tayo ng mga bagay na minsan dahil na rin sa parang ayaw mo ng mabuhay kung wala siya. Pero sana timbangin din ang konsekwensiya ng ginawa para sa'yo at para sa taong nagmamahal sa'yo. Isa lang ang nang-iwan sayo, marami pang natitirang mahal na mahal ka kaya yun lang ang dapat mong isipin.

Acceptance. At ito na ang panghuli. Yung time na nakalalabas ka na sa lungga mo. Nakakapag gala ka na sa mga friends mo. Nakikita mo na ang mundo ay may pag-asa pa para sa'yo na isipin mo na hindi lang ikaw ang nakararanas ng ganitong problema. At suumigaw ka ng 'yes, tapos na.

Hindi naman masama ang madaanan ang lahat ng ito, it means normal ka at pag na tapos na; ngingiti ka nalang sabay sabing 'see, i did it'. Ganoon lang talaga ang buhay minsan masasaktan, dadapa pero ang mahalaga bumangon kahit dahan-dahan lang. Ipakita sa mundo na masaya pa rin ang mabuhay.

Teka, parang napahaba yata ang intro ko? Hindi naman tungkol diyan ang blog na 'to eh.

Everyday, ipapakita ko sa inyo ang steps ko : STEPS NI WHITEANGEL kung paano mag move-on. Special announcement: Akin tong blog na 'to kaya malaya kong maisusulat ang gusto kong sabihin tungkol sa laman nito, thank you (oo, maldita ako na anghel, mind that!).

DAY 1:

Magluto ng Adobo. Yes, you read it right... Magluto ng adobo. Dahil nga sa kakangawa ko nung ilang araw nawala sa akin na kailangan ko palang mag praktis pano magluto (hindi po ako marunong magluto, pramis). Ang ginagawa ko lang pagkatapos ng trabaho ay umiyak sa ibabaw ng lamesa, hindi kumakain dahil walang gana. Pero dumating ang isang araw pag-uwi ko ng bahay ay nagkaroon ako ng resistensiya na buksan ang ref at kunin ang karne ng baboy, oo magluluto ako ng adobo and it's my first time. Mind you, may copy pa ako sa tabi ko na recipe. (hihi)

Adobo po talaga 'yan pag pasensiyahan ninyo at perstym ko pong magluto nito. Pero masarap siya.. :) (Pampalubag loob sa sarili).

Nakagagaan lang pakiramdam na parang kahit pakunti-kunti lang ay magawa mo yung gusto mong gawin out of your relationship.Na kahit nag-iisa ka, sa mga bagay na 'yun nagpapakabusy ka para hindi mo na rin siya maisip. At magiging happy ka pa sa resulta ng ginawa mo.

Ang greatest dream ko talaga bago magkaasawa (yes, gusto mag-asawa ni whiteangel :) ay matutong magluto. Dahil kahit doon lang mapapasaya ko ang asawa ko. Hep! parang mali ah. Break-up at pagmomove-on ang topic natin tapos napunta sa pag-aasawa? Ang aga pa Teh!.

Pero hindi ko naman sinasabi na sundin ninyo ang steps na ginawa ko sa pagmomove-on, sa inyo na rin iyon kung paano n'yo ayusin ang buhay mo na wala na siya. Mahirap, masakit pero ang buhay ay ganun. Gaya ko, masarap akong magbigay ng payo pero pagdating sa buhay ko hindi ko iyon naaply. Siguro kailangan munang gamitin ang sariling advise sa sarili para maging epektibo ito sa huli.

Hanggang sa muli ulit..100s steps of moving on po ito. Kaya 100 days din na moving on ito. Kailangan kong magsulat for 3 months, sana subaybayan n'yo po ang Pakikipasapalaran ni Whiteangel sa mundo ng Pagmomove-on.
awesome-enchancer.blogspot....

Be strong... :)
God is with you... :)

Special thanks to Mami Joyce, Ate Rachelle and Ate Monnette na nagbigay sa akin ng makabagbag damdaming payo. Salamat din DFBI Family at nandiyan kayo parati. Hugsss and kisssess, Whiteangel <3

Comments

Popular Posts